3rd BDM 102k ultra marathon

Ang aking unang 102km ultra marathon march 5 to march 6 2011, 18hrs cut off , apat na  linggo bago magumpisa ang 102k,tumakbo ako sa condura 42km ,test run 50km from Mariveles Bataan(km 00) to Abukay km50 (7:12hrs), Abukay km50 to San Fernando Pampanga( km102) ginamit namin ang galloway 4:1, ibig sabihin tatakbo kami ng 4 mins tapos maglalakad ng 1 min. From km 50 to km 102 (50km test run) natapos namin ito sa loob ng 7:37 hrs. paghubad ko ng sapatos nakita ko na namatay ang pinakamalaki kong kuko sa kaliwang paa……… ginawa namin ung 4:1 para malaman namin kung gaano katagal kami matatapos sa takbo lakad takbo.Nung tumakbo pala kami ng condura mga km15 eh ayaw ko nang tumakbo me pumipitik sa kaliwa kong paa kada hakbang sumasakit di ko na lang pinansin hanggang matapos namin ang condura 5:30hrs.tuwing madaling araw  pagtayo ko at paghakbang ng paa ko sumasakit ang kaliwa kong paa kaya bumili ako ng maliit na bola, inapak apakan ko ito para maibsan ang sakit ito ata yung tinatawag na plantar fasciitis hehehe, kayat dalawang linggo bago ang ultra race hindi ako tumakbo gusto kong gumaling ang paa ko.Saaraw ng race sinundo ko si toto pati si susan sa meycauayan para matulungan nya mag drive si maripaz.pagdating namin sa mariveles nakilala namin si john sya daw ay dating race director ng Baldwater for 4 years sa California USA at pinakilala nya sa amin si ryan na isa rin sa tatakbo, hinahanap nya sa amin si Br.Maguumpisa na ang race tahimik pa din ako dahil kinakabahan ako bka sumakit ang paa ko ahaha, sa unang 3km nagkasabay kami ni carl medyo nauna sila toto at wap,pagdating sa 6km mark andun na ang support crew ko  si maripaz{asawa ko},clanel,noel (anak ko) ,p jay (pamangkin) at si susan support na papalit sa pagmamaneho ni maripaz.after km 6 nagumpisa na kaming tumakbo 4min run:1min walk,mga km 40  nakita namin ni carl na halos nasa likod namin ang ambulance kaya medyo binilisan na namin (kulelat na pala kami) tumatakbo kami habang kumakain kami ng mainit na pandesal na binili ni carl dumating kami sa km50 at 8:37 hrs short sa target ng 37min. naligo ako ay mali pinaliguan ako ni maripaz at nag almusal.lumapit sa amin si doc t sabi nya “GUYS LATE NA TAYO kailangan na lumakad 5km walk then pondo ng takbo nang marinig ko yun alis na agad ako nandun pa sila wap n toto pero sa bilis nila nilagpasan din nila ako  sa km 50 nakita ko si carl nagbibihis takbo lakad pa rin ako nagkitakita kami nila carl at prince km60 .at km 70 nagkita kami ni wap masakit na daw tuhod nya di na sya makatakbo lakad takbo pa din ginagawa ko, sa km 80 nasalubong ko ung marshall sabi nya sir 20km na lang halos naglalakad na lahat tiningnan ko ang relos ko me 3hrs pa ako to run dito ko inumpisahang angkinin ang medal at trophy sabi ko sa sarili ko ito na ang 20km na huling tatakbuhin ko.km 90 pagliko sa guagua sa may simbahan me isang runner na tumakbo sabi nya sa akin bro. halika na wala na tayong oras sabi ko sa kanya cge me pumipitik sa binti ko sabi nya sa akin cge bro ingat,sinubukan kong tumakbo nawala ang sakit sabay angkin ulit sa medal sabi ko sa sarili ko akin itong medal na ito ,takbo lakad takbo dito na nagumpisa ang pressure sabi ko sa support ko last 5km hanggang maabot ko ung last 5km pero medyo nawalan ng pagasa nalimutan ko na 102km pala ang tatakbuhan ko kaya kailangan ko pang tumakbo ng 2km.pagdating sa last pitstop sa may petron  sinalubong ako ng anak ko binigay ko sa kanya ang cap ko towel ,water bottle sabi nya sa akin bakit daddy tatakbuhin muna sabi oo sabay tingin sa relos 5min na lang at wala na akong oras nakita ko ung last runner at support ko na paliko na sa finishline kayat mula petron hanggang finish line ay nagtatakbo ako para umabot sa cutoff time.pag liko ko andun na ung maraming tao sabi sa akin aabot ka pa kaya tuloytuloy ako sa finishline at sa wakas naangkin ko ang medal at trophy .

Official Result: 3rd BDM 102K Ultra Marathon Race110 David Buban 17:53:55…….salamat sa Diyos.

 

35th Milo Marathon

hmmm di kona maalala nangyari dito ..ang alam ko sinundo ako ni doc toto mga 2am nakarating kami moa ng 3 pm..dinaanan namin si cristina kaibigan ni doc toto…pagdating namin sa moa andun ang team ni sir ting pagpapicture sila ako yata ang kumuha sa team nila..punta ng kami sa starting line nakita namin si beeps siyempre nagpa kodak kami:) nagkitakita ang Team Kulit ..team kulit jesus,team kulit rey ,bago magumpisa nakitakita din ang syempre ang Team Boring gaya nila bong, Doc t,maccoy. bago din magumpisa dumating c team kulit shiela ,team kulit chinky at elma .  umpisa ng race nagsabay kami ni doc toto,chinky,bandang 3 or 4 km humiwalay na si toto kami na lang naiwan ni chinky pagkatapos ng 1 pang km nawala si chinky hehehe .nauna na ako …sunod ako ng sunod ke toto siguro mga 1km ang layo nya sa akin….nagka pace kami ni boring rod  tapos si francis lagi nilang tinatanong c toto sabi ko andun sa unahan . pag dating ng km 20 tiningnan ko ang relos ko 2hr 11 min .ang  goal ay takbuhin ang unang 30km sa tatlong oras. pagdating sa buendia nakita ko si team kulit shiela bati sabay takbo pagkatapos nun si elma naman nakita ko bati sabay takbo,dito kuna nakita si toto bati sabay takbo hehehe kaso hinabol nya ako kaya nagkasabay na kami ,minsan lalagpasan nya ako tapos minsan ako naman lalgpas sa kanya…..30km tiningnan namin ang oras 3:30 lagpas sa goal  naka u turn na kami nito buendia pabalik na ng roxas blvd…..nakita ko na ang daan ay pababa kaya tuloy tuloy ako takbo nilagpasan ko si toto .alam ko hahabulin nya ako hahahaha kaya takbo ako hanggang blvd pagdating dun andun si boring rania sabi nya dave last 4km na lang sabi ko sa kanya sprint kuna hahahaha pero pagod na ako super bagal na ang takbo ko pero di ako naglakad nang makita kuna ang moa tuwa ako sabi ko lapit na numpala pinaliko pa kami sa kanan kaya parang napagod ako at naglakad dito ako nilagpasan ni ungas blas sabi nya david  bilis mo na ha:) habang naglalakad narinig ko ung dalawang mama na sabi nya uy pang apat na ito ah di kita maunahan .takbu na ung mama 61 yrs old sya….sabay takbo na din ako sabi ko sa loob ko papalagpas ba ako sa 61 yr old na mama hahaha sabay takbo hinabol ko sya pagdating sa malapit kuna sya lagpasan tinanung ko sya sir ilang taon na kayo sabi nya ah 61 sabay takbo ako hehehehe naabutan ko naman si cj at vicky .sabay sprint si cj gusto ko sana habulin dahil mga 500meter na lang sa finishline di kuna talaga nakaya.ang pr ko dati eh sa 2nd qcim  5:12 pacer namin ni toto si team kulit chinky.NGaun dumating ako sa finish line tiningnan ko ung oras 4:52 PR 🙂  kaso la ako sa list la ang time ko kainis! hahahahahahaha!         salamat sa diyos:)

PAU Fort Magsaysay 60K Run July 16,2011

masaya pa kami:):)

kodakan sa umpisa:)

bago ang takbo nag handa kaming mag asawa grocery/palengke/sundo ng mga anakis sa maiksing salita napagod,nakauwi kami ng bahay mga alas kuatro ng hapon,pasok agad sa kuarto para makatulog ng kaunti dahil mga 11:30 ng gabi bibiyahe na kami papuntang fort magsaysay…..mga bandang 6 pm nagising kain/ fb/cafe world at balik kuwarto di makatulog tinaas ko na lang ang legs ko habang nakahiga:)mga 9pm labas ng kuarto talagang di makatulog :)usapan namin ni doc toto aka blisterking eh mga 11:30 pm alis na kami,nagaayos na ng gamit ang aking support crew kasama c maripaz at dalawang anakis:)sinundo namin si Doc toto sabay drive papuntang fort magsaysay 1am nasa sm sanfernando na kami walang mahanap na yelo.pag lagpas ng sctex c maripaz na ang nag drive di din makaidlip dahil baka sa baguio kami dalin ni maripaz pag gising namin ni toto:)3:30 am nakarating kami sa fort magsaysay.tinawagan ko din ang aking TEAM BORING  ………nag tanung ako ng direction pa puntang fort magsaysay…bago pa man mag umpisa ang race naisip ko ang ginawa ni doc toto to run the first half ng nuvali na mas mababa sa cut oof time.kaya naisip ko na tumakbo ng 1st 30km in 3 hrs , paghahanda na rin ito para sa run ng TEAM KULIT  goal is to run the 42km in 4:30 ….:):):)   isa pa itong takbo na ito ay inalayko din para sa aking lolo na kaarawan nya july 16…Nag umpisa ang takbo tinawag kami ni master cindy kung anu anu ang pace ng bawat isa para masaayos nya ang support vehicle sabi ko ang pace ko ay nine , sweeper kami ni doc toto….siyempre di mawawala ang kodakan blues. Nang magumpisa ang race Takbo na kami ni toto basta takbo lang kami ng takbo sabi ko sa support team buban na every 7.5km ang pitstop namin dahil sa base camp namin ay 7.5km isang loop at natatakbo namin ito sa loob ng isang oras kada loop.naisip ko din na tumakbo ng tuloy tuloy sa loob ng apat na oras dahil nag long run ako magisa marikina /antipolo/marikina isang linggo bago ang fortmagsaysay..kaya sabi ko ke doc toto to run the first 30km ing 3 hrs ito ung unang goal namin na di ko pa nagagawa kahit kelan hahahahah….sabi ko pag na meet na namin ung unang goal eh bahala na maglalakad na kami sa kalahati..habang tumatakbo nakasabay namin si keisha fule at larry ng fairview runner tawanan at picture picture habang tumatakbo.kalaunan naiwan na kami ni keisha:)23km nagpalit ako ng damit pinahiram ako ni pards toto ,30km check point di namin nameet ang goal namin dahil sa km 30 ay 3;30 time namin nakita namin sa di kalayuan si bong at kokoy ng team boring,paglapit namin sa checkpoint sabi sa amin sir pang 38 at 39 po kayo , ay naku natuwa kami ni toto as in tuwang tuwa hahahahahaha:)di namin akalain na ito ang rank namin,kaya mas lalo pa kami ginanahan tumakbo 2nd goal is to run 42km in 4:30 hr di din namin nakaya dahil sa init at pagod:)

kainan na 🙂

naabutan namin si bong at kokoy dito namin nalaman na sila pala ang lead pack ng aming TEAM BORING  kaya ang nangyari ang team buban support ang nag support sa lead pack..ung dalawang vehicle support pa ng team ang napunta sa midpack at sweeper.dito na kami naglolokohan nila na magunahan tumakbo papuntang support minsan sasabihin ko uy 36 na ako  dahil 36 at 37 si kokoy at bong.pero iniwan na din kami nila bong at kokoy …….42km 0r 45km  nagkasabay kami nila chap at cj.Di na daw nila kaya masakit na daw ang paa ni chaps,sabi ko temporary lang iyan at ilang km na lang tapos na , dito ko sinabi sa kanila na kunin nila ang energy ng mga bundok at puno at sabihin nila na i relax ang kanilang legs.sinabi ko din sa kanila na tara sabay sabay tayo para mas malakas ang energy.Dito ako hinawakan ni chaps sa likod  sabi nya Sir pahawak at pakuha ng konting energy….dito kuna pinasok si 1:1 1min run 1min walk.Habang naglalakad dito namin kinakausap ang mga puno at bundok.dito ako nagpapasalamat at nananalangin sa may gawa ng puno at bundok:)sabi ni cj at chaps  ito ang kanilang unang ultra sabi ko suwerte sila at nasa top 40 sila samantalang kami ni doc toto unang ultra 2nd at 3rd to the last:)lagpas pa sa cutoof time:)bdm 3rd to the last din:) pero pasok sa cutooff time:)sa loob ng 10km na takbuhan dito na namin naiwan c cj at chaps tuloy kami ni partner toto.sa huling 6km  puro paahon lahat naglalakad dito me nalagpasan pa kami na dalawa,habang ngalalakad tuloy pa din ang kwentuhan alam ko sumasakit na ang paa niyapero di nya sinasabi sa akin dahil alam ko na me blister syang malaki bago ang race,ako din me nararamdaman na di ko din sinasabi sa kanya hahahahahaha parang me bato na kumukurot sa paa ko.naisip ko na lang ang sinabi ni pacemate carl bdm na “isipin mo na lang na menagmamasahe sa talampakan mo”tingin kami sa likod wala naman nang mananakbo  kaya sabi ko ke toto ok na ito to lakad na lang tayo, kasi gusto pa nyang tumakbo para daw di masyado masakit blister nya. Last 100 meter sa finish line me lumagpas sa aming tumatakbo sabay tingin ako sa likod madami pang kasunod na tumatakbo, takbo na din ako …..mabilis na takbo patungong finishline ….. ayun napanatili namin ang numero namin nakatapos ako ng pang 38  at 40 si toto…….

laging kulelat :):):) hahahahaha

60km / 9:15     Salamat sa Diyos………..

nuvali trail run

nuvali trail run 57km

team kulit… jesus , rey , toto , chinky  at ako.

nagkulitan sa fb tungkol sa trail run,nag pa reg sila sa  nuvali trail run ,habang nagkukulitan sabi nila maglalakad lang daw sila ako di pa nakareg isang linggo bago ang nuvali trail run ni reg ako ni toto.ayun kulitan ulit sa fb maglilibre daw ako dahil di pa ako reg sabi ko reg na ako 🙂 kaya libre ako.

araw ng race sabay kami ni toto sinundo nya ako sa bahay mga 1am, sinundo namin si ina kasama namin sa team boring.dumating kami sa nuvali 4:30 am.bago ang race siyempre kodakan .kodakan ng mga runner nagkita kita kami ng team kulit siyempre kodakan di pahuhuli.

ito ang una kong race after bdm 102 lang training 7.5km maiksing takbo at 15km mahabang takbo sa loob ng dalawang linggo, bago mag race kinakabahan ako kasi di ko alam paano mag run sa trail,ng mag start ang race nagkasabay kami ni team kulit jesus  nag 4 min run kami at 1 min walk nauna na c team kulit chinky at rey….pag dating ng mga 5 km nakasalubong namin c team kulit chinky naligaw sila hehehehe buti nga ang bilis kasi, habang tumatakbo kami ni jesus c team kulit rey nilagpasan kami di namin naalala na dapat pigilin c team kulit rey at igapos ang paa…dito na kami nagkasabay sabay nila team kulit chinky at jesus .

unang loop sa new zealand nuvali kodakan , mga 15 km ng run sumakit na ang paa ko habang naglalakad mas masakit sya kapag naglalakad .nag jog kami ni jesus sabi namin pagkatapos ng unang loop ay tatakbo na kami ng mabilis sabi ko paano c team kulit chinky dahil medyo nasa likod na sya sabi nya sa amin mauna na kami , sabi ko ke jesus pag andun na kami sa unang loop tingnan namin kung malakas pa kami.siguro mga limang oras kami bago natapos ang unang loop, naligo ako sa sobrang init kumain nagpalit ng damit nakikiramdam kung anu ang mangyayari ,di pa dumadating ang kapatid ni jesus kaya la pa sya pagkain binigyan ko sya ng nilagang itlog biglang dumating si team kulit chinky at nag aya ng tumakbo samantalang si jesus naiwan iniintay intay si kuya kaya pinauna na kami hahabol daw sya.pangalawang loop ,ang bilis ni team kulit chinky nilagpasan namin si teammate  boring doc t at rod sabi ni doc t ang bilis nyo ah me hinahabol ba kayo .habang tumatakbo  mga 8km naabutan kami ni jesus nilagpasan nya na kami mauna na raw sya.mabilis pa rin si chinky nung napagod na ako naman ang nagpasimula ng takbo ,tumakbo kami ng 1 minuto na takbo at isang minuto na lakad bago dumating sa newzealand napagod na ako lakad na kami  naabutan namin si enrico caramay ng team cb mukhang pagod na din sya naglalakad ..dito na kami nagkasabay sabay kwentuhan parang gusto ng dalawang kong kasama na sumuko kinausap ko si enrico sabi ko konti na lang yan,pagdating namin sa pangatlong inuman ng tubig dito na nagkabuhay si enrico nagpahinga kami ng mga limang minuto.naabutan namin ung dalawang mananakbo dito ung isa suko na daw ung isa nakaupo sabi sa amin kung alam daw namin na di na kami aabot ea wag na kami tumuloy . , sagot ni team kulit chinky , ANG SABI NI JONEL SA BRIEFING IS IBIBIGAY NIYA ANG FINISHERS MEDAL AND SHIRT KAHIT ANONG ORAS DUMATING, BASTA LANG TAPUSIN ANG RACE tinawagan nya si jonel sbi nya kailangan ng sunduin ung isang mananakbo at gusto nya na daw sumuko papasundo na din sya.

tuloy ang lakad namin nila enrico at sumabay na din sa amin ung isang mananakbo na naabutan namin siyempre di mawawala ang kodakan,biglang dating ni doc t ,tumatakbo .sabi ko asan na si rod naiwan pa daw.bigalang tumakbo na din si enrico at ung isang mananakbo.

tuloy ang lakad namin ni team kulit chinky parang pagod na pagod na sya , para daw busog na busog ang tyan nya, paglagpas namin sa newzealand malapit sa pang apat na inuman, narinig ko sa likod na malakas na padausdos na paa ,parang hinihila na ni  team kulit ang paa nya kaya naisip ko na paupuin sya .nahihilo na daw sya gumagalaw daw ang lupa ,tinawagan nya si ronnie sabi nya parang busog na busog daw sya sabi ni ronnie saan daw sya at susunduin na.

tuloy ang lakad dito na ko kinabahan dahil bka biglang bumagsak si team kulit kaya tinatandaan ko kung anung lugar na kami para kung sakali alam ko kung saan papasundo.sabi ko sa kanya wag sya susuko lakad na lang kami di na hahabulin ang 10 hr cut off time ,pagdating sa pang 4 na tubigan kinausap namin ung tao dun ..sabi sa amin me mga tao pa sa likod namin at marami na ang sumuko limampung tao na daw.naabutan namin dito ang isang mananakbo na wala ng sapatos me hawak na tungkod sabi sa amin sabihin ke jonel na tatapusin nya ang takbo intayin sya kahit anung oras.dito na nabuhay si team kulit chinky tuloy ang laban hahaha ,habang naglalakad me nakita ulit kaming mananakbo na mabagal na mabagal na ang lakad nilapitan sya ni team kulit kinausap masakit na daw ang paa nya pinalakas namin ang loob at ayun sumabay na sa mabilis na lakad.paglabas namin sa trail  nagkasabay sabay kaming anim ung dalawang lumagpas sa amin at ung isang nagsabi sa amin na huwag na ituloy kung di na aabot hehehe.

300 daang metro sa katapusan ng takbo haripas kami ng takbo….ayus natapos namin ng 11:17 Nuvali trail run…Salamat sa Diyos

lsd

25km of hills  hills hills ,monterey ,timberland …5hr run walk

umaga run

40 min run …huminto dahil sa ulan

umaga run

40 min umaga run …huminto dahil sa malakas na ulan!

umaga run

40 min run himinto sa lakas ng ulan dilim